Mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila, nais palawigin ang MECQ

Mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila, nais palawigin ang MECQ

MAYORYA sa mga miyembro ng Metro Manila Council ang  pabor sa pagpapalawig ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status sa Kalakhang Maynila.

SA panayam Kay San Juan City Mayor Francis Zamora, nais nitong i-extend ang MECQ status sa Metro Manila.

Para aniya mas maramdaman pa ang epekto ng MECQ Kung saan napapababa at napapapabagal nito Ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Ayon sa alkalde, nasa 10-7 ang pumabor sa extension ng MECQ sa NCR hanggang sa katapusan ng buwan ng Agosto.

Giit ng alkalde dapat bigyan ng kaunti pang panahon ang Metro Manila habang unti-unting bumababa ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa partikular na sa Metro Manila.

“I believe we have to give it a little time for us to feel the effect of the MECQ,  kasi kung binuksan agad-agad, baka yung na-gain natin na progress in the last few days under MECQ masayang lang naman din.” Mayor Francis Zamora, San Juan City

Samantala, ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG), posibleng ilabas ngayong araw o bukas ang magiging kapalaran ng National Capital Region kung itutuloy o babawiin na ang MECQ status sa buong rehiyon.

“NCR, Bulacan, Rizal, Cavite and Laguna Quarantine Status: Expect the same status till 31 Aug 2020. LGU Executives will recommend their status to the IATF either today or tom.” — DILG

Matatandaang hiniling mismo ng pamunuan ng Philippine College of Physicians ang dalawang linggong pahinga sa kanilang mga doktor at mga nars na araw-araw nagtatrabaho para sa mga taong naapektuhan ng COVID-19.

Agad din naman itong pinagbigyan ng pangulo na magtapos bukas August 18 2020.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.