McClung 3-peat NBA slam dunk champ; Tyler Herro, nanalo sa 3-point contest sa NBA All-Star

McClung 3-peat NBA slam dunk champ; Tyler Herro, nanalo sa 3-point contest sa NBA All-Star

SA ikatlong pagkakataon, nakuha ni Orlando Magic star Mac McClung ang NBA Slam Dunk title na may apat na perfect scores.

Si McClung ang kauna-unahang NBA player na nakakuha ng nasabing titulo sa tatlong magkakasunod na pagkakataon.

Isa sa kaniyang naging performance ay ang pagtalon sa isang kotse.

Pinasalamatan naman ni McClung ang lahat ng tumulong sa kaniya upang muling masungkit ang panalo sa dunk contest.

Samantala, nakuha ni Tyler Herro ng Miami Heat ang panalo sa 3-point contest sa ginanap na NBA All-Star.

Napanalunan ni Herro ang 3-point shootout matapos talunin si Buddy Hield ng Golden State, 24-23, sa finals.

Dahil sa nakamit na panalo, si Tyler Herro na ngayon ang ikalimang manlalaro ng Miami na nagwagi ng nasabing titulo, kasunod ni James Jones noong 2011.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble