ISANG opisyal ng Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang naka-isolate matapos magpositibo sa COVID-19 habang isang LSI naman ang naharang sa border ng Del Gallego, Camarines Sur matapos magpakita ng pekeng RT-PCR test result.
Ang nagpositibong opisyal ng MDRRMO mula sa bayan ng Garchitorena ay naka-isolate na ngayon habang ang locally stranded individual na naharang sa border ay mula sa Camarines Sur.
Kinumpirma ng opisyal MDRRMO na ang ikalawang pagkasawi na naitala sa Garchitorena, Camarines Sur ay ang 83 anyos na ama nito na may sakit sa puso.
Ayon kay MDRRMO Officer Janette Bombase, siya at ang kanyang asawa ay kasalukuyang naka-isolate ngayon sa pasilidad ng LGU sa Garchitorena matapos ma-expose sa kanyang ama na isinugod sa NICC Doctors Hospital sa Naga City matapos makaranas ng hindi magandang pakiramdam.
Agad naman aniyang pina-cremate ang bangkay ng kanyang ama bilang pagtalima sa protocol pero ang hindi nila maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na resulta ang NICC kung sila ba ay positibo o negatibo sa isinagawang RT-PCR test na halos 9 na araw na ang nakararaan.
Samantala, nagpaalala naman si Bombase sa lahat ng mga umuuwing kababayan na huwag na huwag papatol sa mga nang-aalok ng pekeng RT-PCR test upang hindi makasuhan.
Dahil sa insidenteng naharang sa Del Gallego border matapos mapag-alaman na peke ang dala nitong swab test result.
Walang tigil ang pagsasagawa ng mahigpit na pagbabantay sa border lalo na sa Del Gallego dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng sakit na COVID- 19 sa lugar.
(BASAHIN: Misencounter sa Drug Operations tiniyak na hindi mangyayari sa Camarines Sur)