MECQ sa National Capital Region, inirekomenda na palawigin pa

MECQ sa National Capital Region, inirekomenda na palawigin pa

NANAWAGAN ang dating adviser ng National Task Force on COVID-19 na si Dr. Tony Leachon na palawigin pa ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng dalawang linggo sa National Capital Region (NCR).

Ngunit ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, bilang tugon sa panawagan ni Leachon na hindi aniya pangunahan ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa magiging kahinatnan ng community quarantine sa NCR at karatig lalawigan nito.

Ani Nograles, aasahang sa oras na isailalim sa General Community Quarantine ang Metro Manila, mas magiging malala pa ang sitwasyon at tataas ang bilang ng kaso ng COVID-19.





Gayunpaman, sakali aniyang hindi maisasakatuparan ang rekomendasyon ni Leachon ay mayroon ding solusyon ang pamahalaan.

Pagtitiyak ng opisyal, mananatili man sa MECQ o kaya’y luluwagan ang restriksyon, ang importante aniya ay sisiguraduhin nila ang kanilang National Action Plan Phase 2.

Ito ay ang pagbalanse sa aspeto ng ekonomiya at ng kalusugan.

Binigyang diin pa ni Nograles na paiigtingin pa ang localized lockdown kung saan hindi na kailangang hintayin pa ng mga mayor ang IATF sa pagdedesisyon patungkol dito, kundi sila na mismo ang magpatupad nito, maging ito ay sa barangay, sa kalye  o sa purok man.

Depende aniya ito sa bilang ng kaso ng coronavirus na naitatala sa isang partikular na lugar.

Sa kasalukuyan, nasa ilalim ng MECQ ang National Capital Region at mga kalapit na lalawigan bilang tugon sa apela ng medical community na dalawang linggong timeout dahil sa patuloy na pagbuhos ng mga pasyente ng COVID-19 sa mga ospital at isolation facilities.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.