Abogado, ibinunyag kung bakit sunud-sunuran ng Estados Unidos ang media outfits ng Pilipinas

Abogado, ibinunyag kung bakit sunud-sunuran ng Estados Unidos ang media outfits ng Pilipinas

IBINUNYAG ng isang abogado ang dahilan kung bakit  sunud-sunuran ng Estados Unidos ang media outfits ng Pilipinas.

Ayon kay senatorial candidate Atty. Larry Gadon,  matatanggalan ng advertisements ang dahilan kung bakit sumusunod sa kagustuhan ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos ang mga media outfit sa Pilipinas.

Kaugnay ito sa inilabas na wanted poster ng Federal Bureau of Investigation (FBI) kamakailan para kay Pastor Apollo C. Quiboloy, Executive Pastor ng The Kingdom of Jesus Christ,  na kilalang pro-government.

Ayon pa kay Gadon, ang mga non-government organization (NGOs) na may koneksyon sa CIA ay pawang hawak ng mga dilawan.

Sinabi pa ni Gadon na nag-iimbento at nagtahi-tahi ng kasinungalingan ang FBI at CIA para sa kasiraan ng hindi sumusunod sa kanila.

Aniya, nauna nang ginawa ito ng FBI at CIA kay Pangulong Ferdinand Marcos Sr., Gloria Macapagal Arroyo, Pangulong Rodrigo Duterte (PRRD) at ngayon ay sa butihing Pastor.

Kasabay nito ay ipinanawagan ni Gadon sa publiko na huwag paniwalaan ang paninira kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

 

Follow SMNI News on Twitter