Medical at Burial Assistance ng Office of the Vice President, walang pondo ngayong 2025

Medical at Burial Assistance ng Office of the Vice President, walang pondo ngayong 2025

SA inilabas na pahayag ng Office of the Vice President (OVP), walang budget ang Medical at Burial Assistance sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act.

Humingi ng paumanhin ang ahensiya dahil sa ‘inconvenience’ na posibleng maidulot nito.

Una na ring sinabi ni Vice President Sara Duterte sa Tokyo, Japan kamakailan na mababawasan ang kanilang programa at proyekto ngayong taon.

Iyan ay matapos na tinapyasan ng Kongreso ang budget ng OVP ngayong 2025.

Sa kabila nito, tuloy-tuloy naman anila ang operasyon ng satellite offices ng OVP.

‘’Nitong January na lang na meeting, sabi ko, sabi rin ng execom, mas maganda siguro na lang natin ‘yung projects natin para marami pa rin makabenepisyo. Pinakonti namin ang projects and programs natin. Siguro by mid-February, ready na kami ulit na mag-roll out ng mga projects at programs sa Office of the Vice President,’’ayon kay Vice President Sara Duterte.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter