Medical graduates na walang lisensya, ikinukonsiderang gamitin ng DOH sa mga COVID-19 patients

KINOKONSIDERA ni Health Sec. Francisco Duque III ang paggamit sa mga medical graduates na ‘di pumasa sa licensure exam sa paglaban ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Aniya, kung darating ang panahon na kukulangin ang mga health worker sa bansa, maaaring magamit ang mga medical graduates na di pumasa na mag-assist at tutulong sa mga ospital sa paglaban ng COVID 19 sa bansa.

Matatandaang pinanukala ni Senator Francis Tolentino sa Department of Health (DOH) at Professional Regulation Commission na pwedeng gamitin ang mga medical graduate na di nakapasa sa paglaban sa COVID-19.

Aniya, nakasaad sa Section 12 of Republic act no. 2382 o ang Medical Act of 1959, na maaring magamit ang mga medical students sa panahon ng pagkakaroon ng pandemic na sakit.

Sa ngayon, nasa higit 600 na mga health workers ang isinailalim sa quarantine matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan nilang inaalalayang pasyente.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.