Medical professionals sa Cebu, nagkaisa para sa ‘no tobacco and vape’ campaign

Medical professionals sa Cebu, nagkaisa para sa ‘no tobacco and vape’ campaign

NAKABABAHALA ang pagdami ng bilang ng naninigarilyo at gumagamit ng vape sa mga kabataan ngayon, kaya panawagan ng mga nasa medical professionals labanan ang paggamit ng sigarilyo at vape.

Sa isinagawang seremonya noong nakaraang Sabado, Hulyo 1, 2023 nagsama-sama ang mga dalubhasa sa medisina, Department of Health (DOH), akademya, local government unit (LGU)’s, mga city health officials, at iba pang mga stakeholders sa isang unified statement laban sa tobacco at vape.

Bagaman may kasalukuyan nang batas na RA 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) at Executive Order No. 26 ni dating Presidente Rodrigo Roa Duterte at RA No. 11900 o kilala sa tawag na Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Product Regulation Act.

Tila marami pa rin sa mga Pilipino ang lulong sa naturang bisyo.

Ayon kay Dr. Bebot Sarcauga-Chua, presidente ng Medical Chest Association sa Cebu, hindi basta-bastang kalabanin ang industriya ng tabacco, ngunit nais nilang tulungan ang mga kabataan na ngayon ay lulong sa paninigarilyo partikular na sa vape.

 “Apparently, hindi talaga nasunod (‘yung batas) ang nakakatakot na scenario ‘yung mga kabataan ngayon parang “cool” tingnan kung magvape sila. ‘Dun kami naalarma kasi may mga kaso na sa lung injury, nahihirapan nang huminga dahil sa vape, bago kasi ito hindi pa natin alam kung safe ba. May nag ki-claim pa na wala umanong nicotine, hindi tayo sure diyan. Pro-protektahan natin hindi tayo makikipag- away, bagkus pro-protektahan natin ang mga kabataan na kulang pa sa kaalaman,” ayon kay Dr. Bebot Sarcauga-Chua, President, Philippine College of Chest Physicians, Cebu Chapter.

Dagdag pa ng doktora, bagaman bago pa ang vape at kasalukuyan pang pinag-aaralan ang epekto nito sa ating mga baga.

May mga kaso na silang natunghayan na may kinalaman sa paggamit ng vape.

“The same illness, pero meron pang additional risks na hindi pa natin alam. The burning of all these chemical para lang ma produce ang steam ng vape, ‘yung fume na hindi pa natin alam. May mga ibang chemical na nahalo, atleast ‘yung tobacco alam natin na may 7,000 chemicals isa na doon ang formaldehyde. ‘Yung ginagamit para ma-preserve ang patay, iyun ‘yung ipapasok mo sa katawan mo. Willing victim ka, ‘yun ‘yung hihit-hitin mo, ‘yan ‘yung ipapasok mo sa katawan mo. Arsenic which is another common poison, and ‘yan sa sigarilyo ka pagnasindihan, andaming poison,” dagdag ni Dr. Bebot Sarcauga-Chua.

Ayon din kay Dr. John Clifford Aranas, Board of Director ng Philippine College of Chest Physicians, ang epekto ng paggamit ng vape ay katulad din ng sa sigarilyo.

 “Marami ang nagtatanong, may proof ba kayo? It is a function of time also and exposure but hindi kailangang maghintay ng matagal kagaya sa smoking (tobacco) na several decades bago natin nalaman na may epekto ito sa tao, as much as we would like to stop this because we know, kahit ngayon may mga ebidensiya at mga impormasyon na ang vaping ay hindi makabubuti,” ayon kay Dr. John Clifford Aranas.

Sang-ayon naman si Cebu City Mayor na magkakaroon na ng ordinansa sa kaniyang siyudad patungkol sa paggamit ng vape.

“That should be brought to the attention to the Sanggunian, I had no problem with it not even regulate because still (smoking) it proved anything may not be too good at the same time for your body,” ayon kay Mayor Michael Rama, City Mayor, Cebu City.

Matapos ang nasabing seremonya, isusunod naman ng grupo ang pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang stakeholders, pagpapalawig pa ng iba’t ibang impormasyon lalung-lalo na sa masamang dulot ng paninigarilyo kabilang na ang vape.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter