Mega POGO hub sa Cavite at iba pang malalaking POGO hub, balak gawing hotel at seminar center ng gobyerno

Mega POGO hub sa Cavite at iba pang malalaking POGO hub, balak gawing hotel at seminar center ng gobyerno

MARAMI umanong balak ang gobyernong Marcos Jr. sa mga napasarang POGO hub sa bansa.

Ayon sa panayam kay Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Usec. Gilbert Cruz, isa ang Island Cove sa Cavite sa mga pinag-aaralan ng pamahalaan na gawing state university o TESDA training center o factory habang ang Sun Valley naman at iba pang POGO hub sa Bamban Tarlac ay maaaring gawing hotel o seminar centers ng LGUs sa Metro Manila para ‘di na lumayo ang mga ito sa pagdalo sa mga komperensiya.

Pero kailangan pa umano itong isailalim sa forfeiture case para magamit ang naturang mga POGO hub.

Matatandaang ‘di nagawang naipasara ng pamahalaang Marcos Jr. ang mga natitirang POGO hub sa bansa noong nakaraang taon dahil anila sa pagmamatigas ng mga operatora at may-ari nito sa kabila ng babala ng pamahalaan.

Ayon sa PAOCC, marami pa ring operasyon ng POGO ang kanilang nasa listahan bagay na pagtutulungan nila itong tapusin ngayong taong 2025.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter