GINAWARAN bilang panibagong honorary ambassador ng Korea Tourism Organization ang comedian-host na si Melai Cantiveros.
Ibinahagi ito ng comedian sa kaniyang Instagram account sa pamamagitan ng pag-upload ng mga larawan mula sa ceremonial appointment.
Matatandaan namang bumida si Melai noong June 2023 sa pelikulang “Maam Chief: Shakedown in Seoul”.
Mismong sa South Korea pa ginawa ang taping ng pelikula.