Melai Cantiveros, magkakaroon ng Bisaya talkshow ngayong Hulyo

Melai Cantiveros, magkakaroon ng Bisaya talkshow ngayong Hulyo

MAGKAKAROON na ng Bisaya talkshow ang comedienne na si Melai Cantiveros ngayong Hulyo.

Sa inilabas na teaser ng show na may pamagat na “Kuan on One”, makikita ang ilang kapwa celebrities nito na proud “Bisaya” bilang guests.

Iilan sa mga ito ay sina Kim Chiu at Sheryn Regis na mula sa Cebu; at Maymay Entrata na mula sa Cagayan de Oro.

Maging sina Aiah at Colet ng BINI; Vivoree Esclito; Jason Dy; at Christian Bables.

Ang salitang “kuan” ay isang Bisaya word na katumbas ng “ano” ng mga tagalog.

Ginagamit ito kung may mga bagay o salita na hindi agad naaalala o maipaliwanag.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble