PANGUNGUNAHAN ng Melbourne University sa Sydney, Australia ang isang academic symposium sa 2024.
Layunin nito na pag-aralan ang impact ni American singer-songwriter, Taylor Swift sa kasarian, panitikan, ekonomiya, at music industry.
Ang tinaguriang academic symposium na may pamagat na “Swiftposium 2024” ay gaganapin sa Pebrero 11-13.
Sa ngayon ay nasa tour break si Swift subalit magpapatuloy naman ito sa Nobyembre 2023 hanggang 2024.
Samantala, sa Oktubre 13 ay ipapakita sa mga sinehan sa North America ang documentary ng “The Eras” tour ni Taylor.
Ang ticket prize ng documentary ng “The Eras” tour ay nagkakahalaga ng $19.89, alinsunod na rin sa kaniyang “1989” album.
Sa mga bata, nasa $13.13 ang ticket prize.
Ayon sa singer, ang concert tour na ito ang siyang pinaka-meaningful niya na karanasan sa kasalukuyan at masaya siyang maibahagi ito sa kaniyang fans muli.