BAWAL munang lumabas ng kanilang mga bahay ang mga menor de edad sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggo simula bukas, Marso 17.
Ito ay ayon sa inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos, ang hakbang ay napagkasunduan ng Metro Manila Mayors upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 sa Kamaynilaan.
Sa kasalukuyan aniya ay gumagawa na ng resolution ang Metro Manila Council ukol dito na ipatutupad sa lahat ng 17 local government units sa National Capital Region.
Dahil dito, tanging ang mga may edad 18 hanggang 65-anyos lamang ang maaring lumabas ng kanilang mga bahay.
Una nang nagpatupad ang Metro Manila Mayors ng unified curfew sa Metro Manila bilang tugon sa lumalalang bilang ng kaso ng COVID-19.
(BASAHIN: Uniform curfew hours sa Metro Manila, magsisimula na)