MAGBABALIK na ang Philippine National Men’s Volleyball Team sa Asian Games ngayong 19th Edition nito sa Setyembre sa Hangzhou, China.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na maglalaro ang men’s volleyball team sa Asian Games matapos ang 49 na taon.
Pangungunahan ang Team Pilipinas ng mga manlalaro na kasali rin sa Southeast Asia Volleyball League na isinagawa sa Laguna kamakailan.
Sa huling laro ng men’s volleyball team sa Asian Games noong 1974 ay nasa ika-anim na puwesto ang bansa.