Mensahe ng pasasalamat ni Pangulong Duterte, ikinalugod ng PNP

Mensahe ng pasasalamat ni Pangulong Duterte, ikinalugod ng PNP

IKINALUGOD ng Philippine National Police (PNP) ang pasasalamat ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pulisya kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga.

Sa pahayag ni PNP Public Information Office Chief Police Brigadier General Roderick Alba, sinabi nito na naging malaking hamon sa kanila ang kampanya kontra kriminalidad at iligal na droga.

Idagdag pa aniya ang naging epekto ng pandemya na naghatid ng takot sa kanilang mga tauhan.

Pero itinuloy aniya nila ang kanilang pangako na pagsilbihan ang mga Filipino.

Naging posible aniya ang tagumpay ng PNP sa tulong ng stakeholders at aktibong partisipasyon ng mga komunidad na nais mamuhay ng ligtas at payapa.

Follow SMNI NEWS in Twitter