KAISA po natin ang buong bansa at ang mga Filipino sa buong mundo na nagdiriwang ng kauna-unahang panalo ng Team Philippines sa FIFA Women’s World Cup matapos padapain ang Team New Zealand sa score na 1-0.
Maghahain po tayo ng isang resolusyon sa Senado para magbigay pugay sa makasaysayang tagumpay ng Team Philippines.
Saludo po ako sa inyong ipinakitang tapang, sigasig at katatagan para bigyan ng panalo ang ating bansa. Mabuhay po kayo!