MALUGOD kong binabati ang ating mga kababayan ng isang Maligayang Pasko!
Hatid ng kapanganakan ni Hesus ang mensahe ng kapayapaan, pagmamahal, at pag-asa.
Ang pasko ay paalala sa ating mga tagumpay at selebrasyon ng ating pananampalataya at pasasalamat.
Ito ang ating mga gabay habang patuloy nating pinagsusumikapang makamtan ang ating mga hangarin ng may maalab na pag-asa at pananampalataya sa Maykapal.
Alalahanin natin ang ating mga pamilya at ang kahalagahan ng pagmamahalan natin sa isa’t isa — na siyang regalo natin sa ating mga sarili, sa ating mga komunidad, at sa ating bayan.
Sandigan ng ating bayan ang mga pamilyang pinag-isa ng pagmamahal, pag-asa, at pananampalataya.
Huwag natin kalimutan sa Pasko at sa abot ng ating makakaya sa iba pang mga araw ay tulungan at damayan natin ang ating kapwa Pilipino na naghihirap, nagugutom, may karamdaman, at nag-aagaw buhay.
Ngayong Pasko, pasalamatan natin ang ating mga kababayang nagpakita ng katatagan, integridad, malasakit at pagmamahal sa bayan.
Mahimo unta nato silang inspirasyon sa atong padayon nga pagsubay sa dalan paingon sa kabag-ohan, kalambuan ug kalinaw.
Padayon kita sa atong pagmahal sa atong nasud alang sa Diyos, ug sa matag pamilyang Pilipino.
Merry Christmas and a Happy New Year kaninyong tanan!