Mensahe ni VP Sara Duterte para sa pagdiriwang ng  International Youth Day

Mensahe ni VP Sara Duterte para sa pagdiriwang ng  International Youth Day

Happy International Youth Day!

Ang International Youth Day ay isang magandang oportunidad para alalahanin natin ang napakahalagang papel ng mga kabataan para sa matagumpay na pagtataguyod ng isang matatag, mapayapa, at maunlad na bansa.

Pagkakataon din ito upang paalalahanan natin ang ating mga sarili na tayo, bilang mga magulang, bilang mga mamamayan, bilang mga pinuno, at bilang isang bansa ay naatasang tiyakin ang kapakanan, karapatan, at magandang kinabukasan ng kabataang Pilipino.

Bahagi dito ay ang pagbibigay sa kanila ng mga pangunahing serbisyo katulad ng edukasyon, kalusugan at ligtas at mapagkalingang komunidad. Mahalaga ang kanilang partisipasyon sa ating pagpanday ng mga polisiya at pagsusulong ng mga pagbabago para sa mga Pilipino.

Tandaan natin na mamanahin nila ang ating mga tagumpay, mga kabiguan, at lahat ng mga magiging kahihinatnan ng ating desisyon ngayon. Maging halimbawa sana nila tayo ng katapatan, kabutihan, at pagmamahal sa Diyos, sa pamilya, at sa bayan.

Sa mga kabataang Pilipino, sana ay gamitin din ninyo ang inyong talino, tapang, at lakas na manindigan kung ano ang tama, mabuti, at marangal. Magtatagumpay lamang tayo bilang isang bansa kung tayo ay nagkakaisa at kung ang mga kabataan ay ating kasama.

 

Mabuhay ang kabataang Pilipino!

 

SARA Z. DUTERTE

Vice President of the Philippines

 

Note: This article has been sourced from the Inday Sara Duterte Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble