NAKIKIISA po ako sa ating mga kapatid na Muslim sa kanilang pagdarasal at pagninilay-nilay sa pag-uumpisa ng Ramadan.
Sa panahong ito, hangad ko na tayo ay mabalot ng biyaya at pagpapala ng mga salita ni Allah Subhanahu Wa Ta’ala.
Isa itong pagkakataon para mas mapalalim pa natin ang ating ugnayan sa Kaniya at sa ating kapwa. Isa rin itong pamamaraan upang tayo ay malinawan sa tunay na halaga ng ating buhay dito sa mundong ibabaw.
Sa pamamagitan nito ay mas makikilala natin ang ating sarili at mas mapapabuti natin ang ating pamumuhay.
Sa ating isang buwan na pagdarasal at pag-aayuno, nawa’y ang mga salitang nakapaloob sa banal na Qur’an ang mamutawi sa ating mga labi, isabuhay sa pang-araw-araw at maging gabay sa pagharap sa kinabukasan.
Sama-sama nating palaguin ang ating ispritwal na pananampalataya kasabay ng pagdarasal sa kapayapaan na ating minimithi.
Pagpalain nawa tayong lahat ni Allah Subhanahu Wa Ta’ala.