NAIS ni Las Piñas Rep. Camille Villar na isali sa benefit packages ng PhilHealth ang mental health disorders.
Ito’y para matugunan na aniya ang 3.3 milyong Pilipino na may depresyon batay sa datos ng mental health strategic plan 2019-2023 ng Philippine Council for Mental Health.
Sa kaniyang House Bill No. 10934, magiging saklaw ng PhilHealth benefit package ang emergency services, psychiatric at neurological services maging ang mental health gap action program at therapy sessions.
Inihain na rin ni Rep. Camille ang House Bill No. 10929 na naglalayong magkaroon ng three-day mental health wellness leave ang mga empleyado ng public at private sectors.
Follow SMNI News on Rumble