Mental health program para sa mga kawani ng Cordillera PNP, isinulong

Mental health program para sa mga kawani ng Cordillera PNP, isinulong

UPANG mapangalagaan ang kalusugan ng mga kawani ng Cordillera Police, isang partnership ang isinulong nito katuwang ang Baguio-Benguet Psychological Services and Consultancy Center.

Sa ilalim ng nasabing kasunduan, may libreng konsultasyon ang mga pulis lalo na sa mga nakararanas ng emotional at mental problems.

Sakaling makitaan ng deperensiya o iregularidad ang mga pulis sa mga kilos nito, agad na sasailalim sa monitoring at pag-aaral ang mga ito hanggang sa bumuti ang kanilang kalagayan. Cordillera 

Personal na pinasalamatan ni ProCor regional director, PBGen. Mafelino A. Bazar, ang hakbang na ito para lalo pa aniya maging epektibo ang trabaho ng mga kapulisan kung malusog ang mga ito at walang anumang karamdaman.

Follow SMNI News on Twitter