Meralco consumers, hindi mapuputulan ng kuryente hanggang Setyembre

Meralco consumers, hindi mapuputulan ng kuryente hanggang Setyembre

GOOD news para sa consumers ng Meralco dahil walang disconnection activities na gagawin ang kompanya hanggang sa buwan ng Setyembre.

 

Sa pagdinig ng House Committee on Energy nitong Huwebes, napagkasunduan na hindi puputulan ng kuryente ang mga konsyumer na may balance sa billing ngayong umiiral ang community quarantine dahil sa COVID- 19.

 

Ayon kay Energy Committee Chairman Lord Allan Velasco ngayong buwan ng Agosto ang unang deadline na ipinataw ng Meralco pero iniurong ito sa Setyembre.

 

“Can we request Meralco to extend the period guaranteeing that there will be no disconnection to give people more time to recover and get back on their feet as their work resumes and businesses reopen?” pakiusap ni Velasco sa Meralco.

 

 

Ayon naman kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, suportado nila ang panawagan ng kamara na i-extend ang deadline sa pagbabayad ng kuryente.

 

“We are confirming that there will indeed be no disconnections and that we have extended the period to end of September. We continue to resolve each and customer concern as we try to further improve our service levels,” pagkumpirma ni Zaldarriaga.

 

Habang extended ang deadline, pinaayos naman sa Meralco ang reklamo ng mga consumer dahil sa naglalakihang billing.

 

Ayon kay Velasco, patuloy na inuulan ng reklamo ang Meralco dahil sa isyu ng overcharging lalo na sa mga bahay, establisyemento at negosyo na sarado sa panahon ng community quarantine.

 

“These complaints bring additional stress to people. Meralco needs to fix its systems and improve its customer service,” pahayag ni Velasco.

 

Ayon kay Congressman Velasco, dapat malinaw ito ng Meralco dahil interes ng publiko ang nakasalalay dito.

 

 “Their performance should be able to erase any confusion or any in doubt on Meralco whose franchise and services are imbued with public interest,” aniya pa.

 

Nangako naman ang Meralco na tutugunan nila ang reklamo ng mga consumer.

 

“Rest assured that we will continue to engage all our customers and will attend to them individually as needed with the assurance that their concerns will be resolved,” pagtitiyak ni Zaldarriaga.

 

Welcome development naman para sa mga konsyumer ng Meralco ang moratorium na ipatutupad.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.