HINDI na palalawigin pa ng Manila Electric Company o Meralco ang deadline ng pagbabayad ng kuryente na nakatakda ngayon katapusan ng Enero.
Ito ang inihayag ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga sa panayam ng SMNI News.
“Hanggang end of the month na lang do’n sa mga consumer na hindi pa rin nagbabayad. Do’n naman sa mataas ang consumpiton level, 201 and up, actually nag-umpisa na tayo magpadala ng disconnection notices,” pahayag ng Meralco.
Ani Zaldarriaga, meron nang mga iilang mga consumer na naputulan na ng kuryente.
Ngunit aniya, ilan sa mga consumer ay pumupunta sa kanilang opisina upang makipag-ugnayan kung ano ang maaaring maging kapamaraanan upang mabayaran ang kuryente na nakonsumo mula Marso noong nakaraan taon.
Nangako naman ang Meralco na tutulong ang Meralco sa mga consumer na ito na makikipag-ugnayan sa kanilang tanggapan.