Meralco, hindi na uulitin ang estimated meter reading na ikinagulat ng mga kostumer

Meralco, hindi na uulitin ang estimated meter reading na ikinagulat ng mga kostumer

HUMINGI nang paumanhin ang Manila Electric Company at nangangako na hindi na mauulit pa ang estimated meter reading na ikinagulat ng mga costumer nito.

Ito ang kinumpirma ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga sa panayam ng SMNI News.

“Pero dito, lessons learned, talagang kailangan, kahit naman siguro may krisis, eh mabasa ‘yong metro.”

     —  Joe Zaldarriaga, Spokesperson, Meralco

Nangako naman ang Meralco na patuloy na magbibigay ito ng serbisyo sa loob ng 24 oras at makikipag-ugnayan sa pamahalaan kung paano makatulong sa mga kababayang Pilipino.

Ngayong buwan, pinaplano na rin ng Meralco ang pag-anunsyo ng kanilang ikaapat na buwang pagpapatupad ng bawas sa singil ng kuryente.

Tiniyak naman ng Meralco na patuloy na maglilingkod sa mga Pilipino sa panahon ng pandemya

Magugunita na una ng ipinangako ng Meralco ang pagpapatupad ng “no disconnetion policy” hanggang sa katapusan ng Oktubre.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.