Meralco, ipagpatuloy na ang negosasyon sa pagitan ng Solar Ph

Meralco, ipagpatuloy na ang negosasyon sa pagitan ng Solar Ph

NAIS nang ipagpatuloy ng Meralco ang negosasyon nila sa pagitan ng Solar Philippine Batangas Baseload Corporation (SPBBC).

Para ito sa 200-megawatt base load energy requirement na nakasaad sa renewable portfolio standard ng Meralco.

Ayon sa Meralco, hindi ito nakatanggap ng ibang bidder bilang power supplier maliban sa SPBBC kasunod ng itinakda nilang bid submission deadline noong January 10 kaya sisimulan na nila ang negosasyon dito.

Kung magtatagumpay, 2024 magsisimula ang aabot sa 20 taon na kontrata kung saan inaalok ng SPBBC sa Meralco ang 4.65 pesos per kilowatt hour na kuryente.

Follow SMNI NEWS in Twitter