MAGSUSUMITE ang Meralco ng isang aplikasyon na naglalayong magbigay ng refund sa customers nito ng kabuuang P19B sa loob ng tatlong taon.
Sa paliwanag ng Meralco, katumbas ang refund ng nasa 19 sentimos kada kilowatt-hour para sa mga residential customer.
Ang refund ay nagmumula sa sobra nilang nakolekta mula sa mga customer simula noong Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2024.
Isasalang pa ng ERC sa isang review ang aplikasyon na ito ng Meralco at sila na ang magpapasya sa magiging pinal na halaga at ang timeline kung kailan mag-uumpisa ang pagbibigay ng refund.