Meralco, magtataas ng billing rate ngayong Pebrero

Meralco, magtataas ng billing rate ngayong Pebrero

INAASAHANG tataas ang bayarin ng kuryente ngayong Pebrero ayon sa Meralco.

Sa pahayag ni Meralco Vice President Joe Zaldarriaga, ipatutupad ang rate hike kapag natanggap na nila ang lahat ng invoice mula sa power suppliers.

Nakita ng kompanya na isa ang pagtaas sa presyo ng gasolina lalo na sa import liquefied natural gas na ginagamit para makapaglikha ng kuryente ang sanhi ng rate hike.

Sa kabila nito, ipinahiwatig ng Meralco na hinahanapan nila ng paraan upang mapagaan ang mga bayarin ng kanilang humigit-kumulang na walong milyong customers.

Target ng Meralco na ianunsiyo sa Pebrero 8, 2024 ang rate adjustments.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble