Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto

Meralco, may bawas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Agosto

MAY bawas-singil muli sa kuryente ang Meralco ngayong buwan ng Agosto.

Ito ay dahil sa mas murang halaga ng kuryente sa spot market at paglakas ng piso kontra dolyar.

Sa abiso ng Meralco, bababa ng kabuuang 0.2055 sentimos kada kilowatt hour ang kanilang singil sa bill ngayong buwan.

Katumbas ito ng P41 na bawas bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour;P62 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P82 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P103 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.

Ito na ang ika-apat na sunod na buwang pagbaba ng overall rate ng Meralco mula Mayo.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.