TATALIMA sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Manila Electric Company o Meralco na palawigin pa ang no disconnection policy para sa mga lifeline costumer.
Ito ay inanunsyo ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga.
Matatandaang, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of Energy na palawigin pa ang no disconnection policy para sa mga lifeline costumer sa buong buwan ng Pebrero.
Ayon pa kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, inihayag ng DOE na ang mga lifeliners ay 32% lamang ng costumer base at tatlong prosyento lamang ito ng kita ng kompanya.
Kaya ayon pa rito, hindi ito imposibleng gawin.
Sa ngayon, hinihikayat din ni Pangulong Duterte ang Kongreso na palawigin pa ang subsidy ng mga mahihirap na power consumer sa loob ng tatlumpung taon.