IPINAGPALIBAN muna ng Meralco ang pagsasagawa ng meter reading at pagdedeliver ng mga electric bill sa mga bahay-bahay.
Ito ang inanunsyo ngayong araw ng Meralco bunsod ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Sa abiso ng Meralco, ang bill ng mga customer na ang meter reading ay naka-schedule sa pagitan ng Marso 17 hanggang abril 14 ay ibabatay muna sa average ng konsumo noong nakaraang tatlong buwan.
Sinabi ng power distributor na anuman ang kulang o sobra sa aktwal na konsumo ay i-aadjust na lamang sa susunod na bill base sa itinakda ng energy regulatory board.
Unang nang ianunsyo ng Meralco ang 30-day payment extension sa kanilang consumers.
Sakop dito ang mga may bill na may due date mula March 1 hanggang April 14.