Metro Manila, Calabarzon, Zambales at iba pang lugar, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat

Metro Manila, Calabarzon, Zambales at iba pang lugar, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa habagat

MAKARARANAS ang Metro Manila, Calabarzon, Zambales, Bataan, Palawan, at Mindoro Provinces ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa habagat.

Kaugnay nito, maaaring mangkaroon ang flash floods o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan.

Samantala, ang ibang bahagi ng Pilipinas ay magkakaroon din ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na pag-ulan, thuderstorm dahil sa habagat at localized thunderstorm.

As of 4 am, ang sentro ng Emong ay namataan 165 kilometers northwest ng Itbayat, Batanes na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour malapit sa sentro at pagbugso hanggang 70 kph. ang Bagyong Emong ay papunta ito ng northwestward, 25 kph.

Dahil dito, mararanasan ang maalong karagatan sa mga seaboard ng Batanes, Cagayan, kabilang na ang Babuyan Islands.

Ang sea travel ay mapanganib sa mga lugar na ito lalo na para sa mga maliliit na sasakyang pandagat. Pinayuhan ang mga manlalayag na wala pang sapat na karanasan na maghanap muna na madadaungan.

 

SMNI NEWS