APEKTADO ng shearline at amihan na may dalang mga pag-ulan ang halos buong Luzon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa katunayan, ang Metro Manila ngayong Martes, Disyembre 10, 2024 ay halos buong araw makararanas ng mga pag-ulan dahil sa shearline.
Samantala, sa Palawan at Mindanao ay Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang sanhi naman ng nararanasan nilang mga pag-ulan doon.