Metro Manila, inilagay ni Pangulong Duterte sa community quarantine simula Marso 15

INILAGAY ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang buong Metro Manila sa community quarantine upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Ginawa ito ng pangulo sa kaniyang public address kagabi sa Malakanyang.

Simula Marso 15 hanggang Abril 14, 2020 ay pagbabawalan na ang pagpasok at paglabas ng mga tao sa Metro Manila.

“Community quarantine is hereby imposed in the [entirety] of Metro Manila and in other — in other areas the LGUs are advised to abide by the following guidelines imposing localized community quarantine in their respective jurisdictions. For Manila, may… ayaw namin gamitin ‘yan pero — kasi takot kayo sabihin “lockdown”. And a — but it’s a lockdown. There is no struggle of power here. Walang away dito, walang giyera. It’s just a matter of protecting and defending you from COVID-19,” pahayag ng pangulo.

Hindi rin papayagan ang domestic, air at sea travel sa mga nabanggit na panahon, pero depende pa rin sa assessment ng Inter-Agency Task Force.

“Land, domestic air, and domestic sea travel to and from Metro Manila shall be suspended beginning 15, 2020 — March 15, 2020 and to end on April 14, 2020 sa alas dose. Subject to the daily review by the inter-agency task force. So walang lumipad, ang mga travel is limited. Pero itong mga railways sa baba, okay ‘yan. At the same time, observe again social distancing. Pero sa eroplano po, beginning March 15, 2020,” dagdag ng pangulo.

Iniwasan ni Pangulong Duterte na gamitin ang salitang lockdown para hindi mag-panic ang publiko.

Nilinaw rin ng pangulo na hindi ito martial law kundi pag-iingat lamang para hindi kumalat ang virus sa Kamaynilaan.

Ayon sa pangulo, maliwanag na may krisis dahil kumakalat ang COVID-19 sa buong Pilipinas at wala pang gamot sa nasabing sakit.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.