Metro Manila LGUs, tatalakayin ang age restrictions para sa mga minor sa malls

Metro Manila LGUs, tatalakayin ang age restrictions para sa mga minor sa malls

TATALAKAYIN ng Metro Manila LGUs ang age restrictions para sa mga minor sa malls.

Magpupulong mamayang hapon ang Technical Working Group (TWG) na binubuo ng Metro Manila health officials.

Ito ay para pag-usapan ang age restriction para sa mga menor de edad sa mga mall.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, ipipresenta ng TWG ang kanilang rekumendasyon sa mga alkalde para sa kanilang aprobal na posibleng talakayin sa Miyerkules.

Sinabi ni Abalos na nag-ugat ang pulong matapos ang report na isang 2-taong gulang na batang lalaki ang nagpositibo sa COVID-19 nang dalhin ito sa mall ng kanyang mga magulang.

Sa talk to the people ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, inatasan nito ang mga LGUs na bumuo ng ordinansa na magbabawal sa mga 11-anyos pababa na magtungo sa mall.

SMNI NEWS