MANANATILI sa alert level 1 ang Metro Manila simula May 1 hanggang May 15 sa kabila ng ulat na nakapasok na sa bansa ang Omicron subvariant BA.2.12.
Ito ang inanunsyo ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar.
Habang ang iba pang bahagi ng bansa ay isinailalim sa alert level 1 or 2 hanggang sa kalagitnaan ng May.
Ibig sabihin, hindi na kailangan magsuot ng face shield sa May 9 ngunit obligado ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa physical distancing sa loob ng voting center.