Metro Manila, mananatiling GCQ sa buong buwan ng Pebrero

MANANATILI pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila sa buong buwan ng Pebrero.

Ito ang inanunsyo ni Inter-Agency Task Force (IATF) at Presidential Spokesperson Harry Roque.

Bukod sa Metro Manila, naka-GCQ din sa susunod na buwan ang Cordillera Administrative Region, Batangas, Tacloban City, Davao City, Davao del Norte, Lanao del Sur, at Iligan City.

Habang nasa Modified GCQ naman ang natitirang bahagi ng bansa.

Samantala, tiniyak ng Department of Health (DOH) Central Visayas na nasa safe level pa ang sitwasyon ng COVID-19 sa Cebu sa kabila ng surge sa kaso ng sakit sa probinsya.

Ito ang siniguro ni DOH-Central Visayas Spox. at Chief Pathologist Dr. Mary Jean Loreche kasunod ng pahayag ng OCTA group na isang seryosong concern na ang pagsipa ng kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Ani Dr. loreche, nirerespeto nila ang pahayag ng grupo ngunit naniniwala anila silang malayong malayo na ang Cebu City sa sitwasyon nito noong Mayo, Hunyo at Hulyo.

Sa ngayon kasi aniya ay nasa 25.1% pa lamang angh health care utilization na malayo pa sa 70-85% bed occupancy na itinuturing hish risk at critical level.

Naniniwala rin si Loreche na kayang i-handle ng healthcare system ng Cebu ang surge ng kaso at hindi sila magpapabaya dito.

Pinaliwanag din nito na ang pagdami ng kaso ay dulot na rin ng agresibong testing at contact tracing na ikinakasa sa lalawigan.

SMNI NEWS