Metro Manila, may posibilidad na babalik sa MECQ

Metro Manila, may posibilidad na babalik sa MECQ

BONUS OFFER

 

NAGBABALA si Presidential Spokesperson Harry Roque na may posibilidad na babalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila.

 

Ito aniya ay dahil umabot na sa “dangerous levels” ang intensive care capacity ng lungsod.

 

Magugunitang ilan sa mga ospital sa Metro Manila ang nagpahayag na nasa full capacity na sa COVID-19 patients ang kanilang pasilidad ilang araw matapos ang pagtaas ng bilang ng impeksyon bunsod sa pagpaluluwag sa quarantine measures ng lugar.

 

Ayon kay Roque, sumang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa proposal ng University of the Philippines professors na ibalik ang Metro Manila sa MECQ ngunit umapela sina Carlito Galvez Jr., Chief of the National Task Force Against COVID-19 at Interior Secretary Eduardo Año na ipanatili na lamang ang kasalukuyang quarantine level sa loob ng dalawang linggo ayon na rin sa rekomendasyon ng Metro Manila mayors.

 

Ayon sa dalawang opisyal ng Inter-Agency Task Force (IATF), na nararapat na bigyan ng pagkakataon ang Metro Manila dahil ito ang pinagkukunan ng mayoridad ng gross domestic product ng bansa kaya mahalaga na buksan ang ekonomiya nito.

 

Inaprubahan naman ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng IATF na ipanatili sa kasalukuyang quarantine level ang Metro Manila ngunit sa mas pinaigting na implementasyon ng  public health measures.

 

SMNI NEWS

 

[su_spoiler title=”HOT DEALS CLICK HERE” style=”fancy” icon=”plus-circle” anchor=”https://c.lazada.com.ph/t/c.ZWtm36″]Top Selling items up to 80% off shop now! click here![/su_spoiler]

Leave a Reply

Your email address will not be published.