Metro Manila, posibleng bumalik sa mas mahigpit na quarantine

Metro Manila, posibleng bumalik sa mas mahigpit na quarantine

NAGBABALA ang Palasyo na posibleng bumalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na quarantine.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kung patuloy na tataas ang bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mawalan ng critical care capacity sa mga ospital.

 

Sinabi pa ni Roque na dapat mapabagal ang pagtaas ng kaso upang magtuloy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.

 

Kasabay nito, nilinaw rin ng kalihinm na hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyong ubos na ang mga hospital beds sa bansa dahil nasa 63% at moderate risk pa lang ang critical care utilization sa Metro Manila.

 

MRT-3, pansamantalang magpatutupad ng shutdown ng operasyon

 

Kasunod ng dumaraming bilang ng mga personnel na nagpositibo sa COVID-19, pansamantalang sususpendihin ang operasyon ng MRT-3 simula ngayong araw Martes, ika-7 hanggang ikalabing isa ng Hulyo.

 

Ang temporary shutdown ay ipinatupad upang magbigay-daan sa RT-PCR (swab) testing ng lahat ng empleyado ng MRT-3, kasama na ang  mga empleyado ng  maintenance provider at subcontractors nito, upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, at mas  mahalaga, upang maprotektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga personnel at commuter.

 

Upang tulungang maihatid ang mga commuter, magpapatuloy ang MRT-3 bus augmentation program na may 90 na bus at may fixed dispatching interval na kada 3 minuto.

 

Dagdag dito, 150 na bus ang ide-deploy para sa edsa busway service na magsisilbi sa mga pasahero mula Monumento hanggang  Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

 

Isang mini-loop naman ang magsisilbi sa mga pasahero mula Timog Avenue hanggang Ortigas, kung saan pinayagan ang shuttle/mini bus service na mag-pickup at mag-drop off ng pasahero sa curbside.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.