Mexican President Andres Manuel Lopez Obrador, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang pangulo ng Mexico na si Andres Manuel Lopez Obrador.

Ayon kay Obrador, mild lamang ang sintomas na nararansanan niya at kasalukuyan na siyang ginagamot.

Sinabi rin ng pangulo na ipagpapatuloy niya ang kanyang trabaho sa Presidential Palace kabilang na ang plano niyang pakikipag-phone call kay Russian President Vladimir Putin para sa usapan nito patungkol sa Sputnik V vaccine.

Posible aniyang makatanggap ng bakuna ang bansa.

Samantala, irerepresenta naman ni Secretary of the Interior Dr. Olga Sanchez Cordero ang presidente sa araw-araw nitong morning briefing.

Kasalukuyang nasa second wave na ng pandemya ang bansa at may talang apat sa pinakamataas na death toll sa buong mundo.

Nitong linggo, ayon sa Health Ministry nasa kabuuang 1,763,219 ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 10,872 ang new confirmed cases, 530 ang fatalities, habang nasa 149,614 naman ang naitalang deaths.

SMNI NEWS