HINDI na sasali ang Mexico sa bidding bilang host ng 2036 Olympics.
Sinabi ni Mexican Olympics Committee Head Maria Jose Alcala, sa bidding bilang host ng Youth Olympic Games na lang sila sasali.
Ibinahagi ni Alcala na mahigpit ang kompetisyon para sa magiging host country ng Olympic Games kung kaya’t susuko na lang ito.
Ilan sa mga nananatiling bidders para sa 2036 Olympics ay ang bansang India, Indonesia, Poland, at Turkiye.
Taong 1968 nang maging host ang Mexico sa Olympics.