HINDI papakampante ang UniTeam nina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte kahit lamang pa rin sila sa mga election survey.
May aksyon ngayon ang UniTeam sa mga isyu sa overseas absentee voting (OAV) at ang dinanas kamakailan ng isang presidentiable sa Bukidnon.
Sa isang panayam kay Mayor Sara, sinabi nito patuloy pa rin ang kayod nila sa pangangampanya isang buwan ang eleksyon.
“Tutuloy-tuloy pa rin yung kampanya namin and patuloy pa rin ‘yung pakikipag-usap namin sa lahat ng mga Pilipino sa iba’t bang lugar sa ating bansa para po ipaabot yung aming mensahe ng pagkakaisa at kapayapaan sa ating bansa,” pahayag ni Mayor Sara.
Sa kabila niyan, umabot din sa UniTeam ang mga isyu ng tampered ballots sa overseas absentee voting.
Sa Twitter, laganap ang reklamo ng mga kababayan kaugnay sa OAV.
Nakaabot din sa UniTeam ang nangyari kay presidential candidate Leody De Guzman sa kanilang campaign trail sa Mindanao.
Batay sa report, pinaputukan raw sila De Guzman sa Bukidnon.
At para sa tambalang Bongbong-Sara, hindi dapat i-tolerate ang mga ganitong insidente.
“Of course lahat ng election violence and allegations of fraud we condemned that. And we already wrote the COMELEC of a general letter that if there is any allegation or insidente na dapat yun buksan nila with an official inquiry coming from COMELEC,” ani Sara.
Wala namang komento si Mayor Sara sa panawagan ni Mayor Isko Moreno na mag-withdraw sa presidential race si VP Leni Robredo.
Nasa Batangas ngayon ang UniTeam para sa kanilang grand rally kung saan naging host si Governor Dodo Mandanas.