Mga abogadong nagsasabing hindi gumagana ang justice system sa Pilipinas, dapat mai-disbar – Atty. Harry Roque

Mga abogadong nagsasabing hindi gumagana ang justice system sa Pilipinas, dapat mai-disbar – Atty. Harry Roque

DAPAT mai-disbar ang mga abogadong nagsasabi na unwilling at hindi gumagana ang local courts ng Pilipinas.

Ito ang naging suhestiyon ni dating Presidential Spokesperson at ngayo’y senatorial candidate Atty. Harry Roque hinggil sa isyung paiimbestigahan sa International Criminal Court (ICC) ang umanoy drug war ng administrasyong Duterte.

Umabot sa ICC na maraming karahasan ang nangyayari sa pagpatutupad ng laban kontra droga gaya ng anila’y pagmamalabis ng mga pulis at pagkamatay ng mga inosente.

Nilinaw ni Roque sa SMNI Exclusive na may karapatan lang manghimasok ang ICC kung hindi gumagana ang justice system o kaya’y unwilling magpatupad ng batas ang isang bansa.

Sinabi niya na wala sa dalawang kategorya ang Pilipinas kung kaya’t walang karapatang manghimasok ang ICC.

Binigyang-diin naman ni Roque na nirerespeto ng Pilipinas ang panuntunan sa ilalim ng Rome Statute nang maging myembro ang bansa dito.

Yun nga lang at hindi angkop na ipatupad ito sa bansa dahil gumagana pa ang hukuman dito.

Follow SMNI News on Twitter