Mga ahensiya ng pamahalaan, ibinida ang mga kagamitan, kahandaan sa pagresponde sa sakuna

Mga ahensiya ng pamahalaan, ibinida ang mga kagamitan, kahandaan sa pagresponde sa sakuna

IBINIDA ng iba’t ibang ahensiya ng pamahaaan gaya ng DOH, BFP, MMDA, AFP, PNP, PCG at OCD ang kanilang mga kagamitan sa search and rescue operation.

Layon ng nasabing aktibidad na ipakita ang kahandaan ng bansa sa pagresponde sa anumang uri ng sakuna lalo na ang pinangangambahang ‘The Big One’ na tinatayang aabot sa 7.5 o higit pa na magnitude ng lindol.

Kabilang sa ipinakita ang dalawang chopper, mga ambulansiya, fire trucks at iba’t ibang high tech na kagamitan na ginagamit sa search and rescue.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, na ang pagpapakita ng kagamitan at hukbo ay simbolo ng pagpapakita ng kahandaan ng ating bansa na tumugon sa mga sakuna.

Para naman kay Department of National Defense (DND) acting Undersecretary Angelito de Leon, ang paghahanda sa ‘The Big One’ ay hindi lang responsibilidad ng mga nasa ahensiya kundi ng bawat pamilya at bawat Pilipino.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter