Mga airport na pwede na sa commercial flights, umabot na sa 31

Mga airport na pwede na sa commercial flights, umabot na sa 31

MALIBAN sa papasok at papalabas ng Metro Manila  umabot na sa 31 na mga paliparan sa buong Pilipinas ang pinapayagan na ng iba’t-ibang local government units na mag-operate ng  commercial flights papasok at papalabas sa kani-kanilang siyudad.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP kabilang sa 31 airport sa bansa na pinapayagan na ng LGU na mag-operate ang:

[tie_slideshow]

[tie_slide] [/tie_slide]

[tie_slide]  [/tie_slide]

[/tie_slideshow]

Samantala, ang domestic commercial flights naman sa Ninoy Aquino International Airport ay hindi pa pinapayagan habang umiiral pa ang Modified Enhanced Community Quarantine sa Kalakhang Maynila pero ang international flights, OWWA flights, at sweeper flights mula NAIA ay pinapayagan ngunit ay sasailalim pa rin sa mga paghihigpit kagaya sa mga patungong Davao at Romblon.

Ayon naman kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio hindi garantiya na agad maibabalik ang domestic flights operation sa NAIA matapos ang Aug. 18 kung saan isinailalim sa MECQ ang Metro Manila.

Aniya depende pa rin sa magiging anunsyo ng Pangulong Duterte kung may pagbabago o sa direktiba ng Inter Agency Task Force.

“Kung i-extend ng presidente na pareho pa ring status e ‘di walang flight sa NAIA… depende ‘yan sa ide-declare ng presidente o ng IATF.” CAAP Spokesperson Eric Apolonio

 

Kabilang naman sa labing walong paliparan sa Pilipinas ang hindi pa pinapayagan ng mga LGU na mag-operate ng commercial flights ay ang:

Paalala ng CAAP sa mga nabanggit na airports na pinapayagan na mag-operate ng commercial flights ay sasailalim pa rin ito sa iba’t-ibang paghihigpit ng mga LGU sa mga pasahero na papasok sa kani-kanilang probinsya o siyudad.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.