Mga alkalde ng Metro Manila, pinag-aaralan ang bike system sa Netherlands

Mga alkalde ng Metro Manila, pinag-aaralan ang bike system sa Netherlands

PINAG-aralan ng siyam na Metro Manila mayors at isang vice mayor sa kanilang tour sa Netherlands ang kahanga-hangang bicycle system at urban mobility na maaari ding magamit sa Pilipinas.

Ang nasabing trip ay inisponsoran ng Metropolitan Manila Development Authority  (MMDA) kung saan pinakita rin sa mga opisyal ang global benchmarks pagdating sa waste management, waste-to-energy, at flood control systems.

Ang mga alkaldeng kasama sa tour ay sina Mayor Rufino Biazon ng Muntinlupa, Joy Belmonte ng Quezon City, Imelda Calixto-Rubiano ng Pasay, Weslie Gatchalian ng Valenzuela, Francis Zamora ng San Juan, John Reynald Tiangco ng Navotas, Miguel Ponce III ng Pateros, at Dale Gonzalo Malapitan ng Caloocan.

Follow SMNI NEWS in Twitter