Mga apektado ng lindol sa Mindanao, nadagdagan pa—NDRRMC

Mga apektado ng lindol sa Mindanao, nadagdagan pa—NDRRMC

UMABOT na sa 3,696 pamilya o 16,293 indibidwal ang naapektuhan ng magnitude 6.8 na lindol sa Sarangani.

Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes, Nobyembre 21.

Nagmula ang mga apektadong residente sa 51 barangay sa Region 11 at 12.

Nananatili sa 9 ang mga naiulat na nasawi habang 16 ang mga naiulat na nasaktan sa malakas na pagyanig.

Ang nasabing bilang ay patuloy na isinasailalim sa berepikasyon ng NDRRMC.

Samantala, nakapag-abot na ang gobyerno ng mahigit P11.6-M halaga ng tulong sa mga apektado ng lindol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble