HINARANG ng Taliban ang mga babaeng Afghanistan na lalabas ng kanilang bansa para mag-aral sa abroad.
Tinatayang nasa 60 kababaihan na ang naharang ng Taliban officials sa paliparan.
Ito’y kasunod ng kautusan ng Taliban na bawal nang mag-aral ang mga babaeng Afghan sa kanilang bansa at bawal na ring umalis ng Afghanistan sa pamamagitan ng student visa sa abroad.
Ipinagbabawal din ng Taliban ang solo travel sa kababaihan.
Pinapayagan lamang na makalabas ng bansa ang mga babaeng kasama ang kanilang asawa o kamag-anak na lalaki.
Matatandaan na kamakailan lang ay ipinag-utos din ng Taliban ang pagsasara ng lahat ng parlor sa buong bansa.
Nanawagan naman ang Afghan women sa buong mundo na tulungan at huwag pabayaan ang mga kabataang babaeng Afghan at ang kanilang edukasyon.