Mga bagong enroll na sundalo sa South Korea, nagpositibo sa COVID-19

Mga bagong enroll na sundalo sa South Korea, nagpositibo sa COVID-19

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang mahigit limampu na mga bagong enroll na sundalo sa Army boot camp ng South Korea.

Inihayag ng Defense Ministry noong Miyerkules na nagpositibo sa bagong coronavirus ang limamput tatlo na mga bagong enroll na sundalo sa Army boot camp.

Kinumpirma ng ministry na isa sa mga sundalo sa South Korea Army Training Center sa gitnang lungsod ng Nonsan ay nagpositibo sa COVID-19 kasunod nito ang tatlumput limang mga kasamahan na nakasalamuha nito ay nagpositibo rin sa COVID-19 bandang alas dyes ng umaga.

Inanunsyo ng ministry na nadagdagan pa ng labing anim na kaso ng COVID-19 bandang alas sais ng hapon.

Samantala, isa pang sundalo sa boot camp ang nagpositibo sa COVID-19 habang naka quarantine pagkatapos ang kanyang pamilya ay nalamang nahawaan din ng virus.

Ngayon,ang mga sundalong nagpositibo sa COVID-19 ay isasailalim sa mandatoryong two-week quarantine period at dalawang coronavirus test bago pa man makabalik sa kanilang mga training.

 

SMNI NEWS