PINANGUNAHAN ng Saluting Battery ng Army Artillery Regiment ang seremonya sa pagsalubong sa mga bagong heneral ng Philippine Army nitong araw ng Biyernes.
Isang dumadagundong na 13 putok ng kanyon ang ginawang pagsalubong sa mga bagong heneral ng katihan.
Ilan sa mga bagong opisyal ng Philippine Army ay sina Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, pinuno ng 1st Infantry Division, at Maj. Gen. Audrey L. Pasia, pinuno ng 5th Infantry Division.
Samantala, 11 putok naman ng kanyon ang inilaan ng Saluting Battery para sa mga bagong brigadier generals ng Special Forces Regiment (Airborne); Brigades and Divisions ng Philippine Army.
Paalala ni Army Commanding General LtGen. Romeo Brawner Jr., magsisilbing inspirasyon at motibasyon ang dagdag na ranggo na ito sa paglilingkod sa hukbo at sa bayan.