NASA 14.7 milyong balota na ang naimprinta ng Commission on Elections (COMELEC) batay sa kanilang update nitong Huwebes, Pebrero 6, 2025.
Katumbas ito ng 20% ng kabuuang 72 milyong balotang kinakailangan para sa 2025 midterm elections sa Mayo.
Ayon sa COMELEC, bagamat naaabot nila ang daily output target na 1.5 milyon, umaasa silang mapapataas ito sa 2 milyon upang matiyak ang tamang oras ng pag-imprenta.
Upang mapabilis ang manual verification ng mga balota, plano rin ng poll body na magdagdag ng 300 personnel sa kasalukuyang 800 empleyado ng COMELEC.